|
Sanay-Aral at Balik-Aral Culminating Activity |
|
|
|
|
Written by Administrator
|
|
Wednesday, 04 June 2008 |
|
Sanay-Aral at Balik-Aral Culminating Activity
Magandang araw sa inyo, mga bata! Ikinagagalak kong batiin kayong lahat, sa ngalan ng pamunuan ng San Sebastian College - Recoletos de Cavite. Nais naming malam ninyo na kami ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ninyo sa aming imbitasyon dito sa "Sanay Aral, Balik Aral," na ginanap upang ang mga batang katulad ninyo ay makapaghanda sa muling pagbabalik sa eskuwelahan sa darating na hunyo matapos and mahigit sa dalawang buwan ninyong pagliban sa paaralan ngayong bakasyon. Itong araw ng inyong pagtatapos sa programang ito ay sa katunayan ay daan sa isa na namang pagsisimula.
Taun-taon, ang programang ito ay boung galak naming inihahatid sapagkat layunin namin na sa inyong pagbabalik-eskwela ay dala ninyo ang inyong sarili na may bukas na pag-iisip at handa sa pagtanggap ng mga bagong kaalaman.
ay hindi lamang kayo natuto kundi lubos ding nasiyahan sa inyong pagdalo. Nais ko ring ipaalala sa inyo na sana ay lagi ninyo tandaan na bigyan halaga ang inyong edukasyon sapagkat ito ay susi sa magandang kinabukasan. Muli, magandang umaga. God bless you!
Sanay-Aral at Balik-Aral Culminating Activity
SSC-R Main Auditorium
May 31, 2008
9:00AM
|