San Sebastian College-Recoletos de Cavite   Manila-Cavite Road, Sta. Cruz, Cavite City 4100 Philippines  (046)431-7011 Fax: (046)431-1461

Muling Tagumpay sa Timpalak sa Sanaysay

News

Muling pinatunayan ng mga Sebastino ang husay sa pagsulat ng sanaysay matapos matagumpay na maiuwi ang ikatlong gantimpala sa katatapos na Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay na ginanap sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Manila noong ika-30 ng Agosto.


Buong tapang na kinatawan ni Ralphe Lester Velasquez, 3rd year student ng BSBA Marketing Management ang 16  pang ibang kinatawan ng prestihiyoso at malalaking Kolehiyo at Unibersidad sa bansa. Bitbit nya ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay na ibinahagi ng kaniyang naging tagapagsanay; lakas ng loob at diterminasyong makapag-uwi ng karangalan at dasal ng mga magulang, kapatid at buong komunidad ng San Sebastian College-Recoletos de Cavite,  


Ang naturang timpalak ay taunang itinataguyod ng Damdamin at Malay Inc., Master of Arts in Filipino Society, Komisyon sa Wikang Filipino at National Youth Commission kaugnay ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika.

Ang timpalak ay may kabuuang temang “Wikang Filipino:  Wika ng Pagkakaisa” na siya rng Pambansang tema ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika para sa taong ito.


Si Ralphe Lester Velasquez ay dati na ring nag-uwi ng ikatlong gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula.  Ito ang kauna-unahang pagkakataong siya ay lumahok sa timpalak sa sanaysay ayon sa kaniya.  

G. GlennR. Guerreo at Ralphe Lester Velasquez

Tanquis assumes Cañacao directorship

SSC-R de Cavite’s International Benchmarking and Book Selection in Singapore

Muling Tagumpay sa Timpalak sa Sanaysay
Glenn R. Guerrero, MAF

Share on Facebook
Share on Twitter
Share via e-mail

College Faculty Club Flash Report: A Fresh Start for Academic
Year 2014-2015

SSC-RdC Conducts Faculty
In-Service Training

Home About Us Academics Admission Publications Services Opportunities Contact Us

Manila-Cavite Road, Sta. Cruz, Cavite City 4100, Philippines
(046)431-7011 (046)431-1119

Nurturing the mind, empowering the heart